Metro Manila mayors, aapelang ibaba na ang alerto sa NCR

Pag-uusapan na bukas ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Metro Manila Council (MMC) kung mananatili o hindi ang umiiral na Alert Level 4 status ngayong sa Metro Manila.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ipapanukala nila na ibaba na sa Alert Level 3 ang status sa National Capital Region kasunod na rin ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.

Sakaling ibaba, sinabi ni Olivares na kabilang sa mga isusulong nila na mabuksan na ay ang mga sinehan at dagdagan ang kapasidad sa ilang negosyo.


Samantala, kasabay naman ng nalalapit na Undas, muling ipinaalala ni Olivares sa publiko na agahan ang pagbisita sa mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Isasara kasi aniya ang mga sementeryo sa Metro Manila mula Oct. 29 hanggang Nov. 2, 2021.

Mahigpit ding paiiralin ang 30% capacity sa loob ng mga sementeryo.

Facebook Comments