Metro Manila Mayors, handa na sa pagpapatupad ng modified ECQ ayon sa MMDA

Handa na ang Metro Manila Council (MMC) sa pagpapatupad Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang MMC ay binubuo ng 17 Alkalde ng Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jose Arturo Garcia, tanggap nila ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ilagay ang National Capital Region (NCR), Laguna at Cebu CIty sa MECQ mula May 16 hanggang 31.


Sa ilalim ng MECQ, limitado ang galaw para sa pag-avail ng essential services at trabaho, papayagan na rin sa 50% capacity ang ilang piling manufacturing at processing plants.

Magkakaroon ng limitadong transportasyon sa publiko, habang suspendido pa rin ang physical classes.

Facebook Comments