Metro Manila Mayors iminungkahing iisa lamang ang desisyon sa Metro Manila, partial GCQ sa NCR ibinasura

Naniniwala ang Metro Manila Mayors na dapat iisa lamang ang polisiya o susunding guidelines sa National Capital Region (NCR).

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni MMDA Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago na dahil iisang rehiyon lamang ang NCR dapat iisang kumpas lamang ang susundin ng mga Alkalde.

Ang reaksyon ng Metro Manila Mayors ay matapos kumpirmahin nuong Sabado ni Presidential Spokesperson Secretary Atty. Harry Roque na ilang syudad sa kamaynilaan ang mag-gi GCQ na pagsapit ng May 16, 2020.


Ayon kay Pialago, mayorya ng mga Alkalde o 10 out of 17 mayors sa NCR ang gustong palawigin pa ang ECQ sa Metro Manila hanggang May 31, 2020.

Ikinukonsidera ng mga Alkalde ang kaligtasan ng publiko lalo na at wala pang bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag pa ni Pialago kung ie-extend ang ECQ hanggang May 31, 2020 ay magagawa ng maayos ng mga LGUs ang mass testing, contact tracing at ang pag-sanitize ng mga work place bago magbalik trabaho ang mga empleyado.

Masyado kasing risky kung isasailalim na sa GCQ sa May 16, 2020 ang ilang syudad sa Metro Manila dahil kapag nasa GCQ na ay mayroon ng partial mobility, bukas na ang mga establishemento at back to work na ang mga manggagawa.

Ang sadya aniyang ikinatatakot at iniiwasan ng Metro Manila Mayors ay ang 2nd wave ng COVID-19 kung kaya naniniwala silang dapat i-extend pa ang ECQ sa Metro Manila hanggang May 31, 2020.

Facebook Comments