Nais ng Metro Manila mayors na panatilihin ang General Community Quarantine (GCQ) sa buong holiday season o hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., sobrang maingat ang mga alkalde na ibaba sa modified GCQ ang quarantine status sa Metro Manila.
Inirekomenda aniya ng mga ito na paluwagin na lamang ang restriction sa susunod na taon.
Nakatakda namang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classification para sa Disyembre sa Lunes, November 30.
Samantala, tuluyan nang ipinagbawal ng Metro Manila Council (MMC) ang pagasasagawa ng tradisyunal na Christmas caroling para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nakapagkasunduan din nila na suspendihin ang mga Christmas party sa public offices.
Bubuo ang MMC ng task force na magmo-monitor sa no-caroling policy sa buong Metro Manila.