Metro Manila Mayors, inirekomendang wala munang magbabalik-operasyon na jeep at bus sakaling isailalim na sa GCQ ang NCR sa June 1

Sa naging rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) nagkasundo ang Metro Manila mayors na huwag na munang ibalik ang operasyon ng mga bus at jeepney.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na mahirap kontrolin ang galaw ng mga pasahero sa mga jeep at bus at mahirap ding ipatupad dito ang social distancing

Ayon kay Garcia, mas pabor para sa mga ito ang pagbabalik-operasyon ng mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS), taxi, point-to-point buses, tricycle at shuttle service.


Dapat aniyang tandaan ng publiko na kahit pa isailalim sa GCQ na ang Metro Manila sa June 1, ay mayroon pa ring umiiral na quarantine at sadyang may restrictions pa rin at hindi pa rin lahat ay papayagang lumabas.

Paliwanag nito, maraming kumpanya ang nagpapatupad na ng work-from-home.

Gayunpaman, dahan-dahan aniya ang gagawing pagdaragdag ng transportasyon at hindi pwedeng biglain.

Facebook Comments