Metro Manila mayors, magpupulong kaugnay ng “brand agnostic” policy sa COVID-19 vaccines

Pag-uusapan pa ng Metro Manila Council (MMC) kung susunod sa bagong polisiya ng Department of Health (DOH) na hindi pag-aanunsyo ng gagamiting brand ng COVID-19 vaccines sa vaccination site.

Ito ang sinabi ni MMC Chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez sa harap ng magkakaibang posisyon ng Metro Manila mayors tungkol sa “brand agnostic” policy.

Ayon kay Olivarez, dumaan naman ang mga bakuna sa masusing pag-aaral at sa Food and Drug Administration (FDA) bago bigyan ng Emergency Use Authorization (EUA).


Ibig sabihin, lahat ng vaccine na inaprubahan ay ligtas at may efficacy para makaprotekta ang tao laban sa virus.

Una nang tiniyak ng DOH na handa silang silipin ang polisiya para matugunan ang pangamba ng local government officials.

Facebook Comments