Metro Manila mayors, nag-donate ng bakuna para sa mga residente ng Batangas

Sa ngalan ng Bayanihan, nagkaisa ang mga alkalde sa Metro Manila na magbigay ng bakuna para sa mga residente ng Batangas na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na 7,500 doses ng Sinovac vaccines ang dinonate ng lungsod ng Quezon, Manila, Mandaluyong, Taguig, Marikina at Parañaque sa mga Batangueño.

Ang mga bakuna ay agad nai-turn over noong Sabado at kasalukuyang itinuturok na sa mga kababayan nating nananatili sa iba’t ibang evacuation center sa Batangas.


Ani Abalos, madaragdagan pa ito dahil nag-commit na rin ang iba pang lungsod sa Metro Manila na magbibigay rin sila ng mga bakuna sa mga susunod pang araw.

Naniniwala kasi ang mga alkalde sa kalakhang Maynila na importanteng mabakunahan ang mga inilikas sa mga evacuation center upang hindi kumalat ang nakahahawang COVID-19.

Facebook Comments