Metro Manila mayors, nagkasundong cash ang ibibigay na ayuda habang ECQ

Nagkasundo ang Metro Manila mayors na gawing cash ang ikatlong round ng ayuda sa mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang 20.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, nagkasundo sila kapwa niya mga alkalde na maging unified ang pamamahagi ng cash assistance.

Hinimok naman ni Teodoro ang national government na hayaan ang Local Government Units (LGUs) na gumawa ng listahan ng mga benepisyaryo ng cash assistance dahil mas dumarami ang mga nahihirapan sa paulit-ulit na paghihigpit sa community quarantine.


Una nang sinabi ng national government na ang gagamitin sa pamamahagi ng ikatlong round ng ayuda ay ang dating listahan ng mga benepisyaryo.

Facebook Comments