Metro Manila mayors, nangako ng suporta para sa Manila Bay rehab

Manila, Philippines – Isang resolusyon ang pinagtibay ng lahat ng Metro Manila mayors at sa pangunguna ni Metro Manila Development Authority Chairman Danilo Lim bilang suporta sa Manila Bay rehabilitation program.

Sa isang pulong, napakiusapan ni DILG Secretary Eduardo Año at DENR Secretary Roy Cimatu ang Metro Manila mayors na ipasara ang mga business establishments na kakitaan ng mga paglabag sa environmental laws kasama ang mga planong relocation sa mga informal settler families na nasa coastal areas, esteros at waterways sa Metro Manila.

Nangako din sila na ipapasara na ang mga establishments na una nang inisyuhan ng cease and desist orders ng DENR o LLDA.


Magsasagawa na rin sila ng kanilang sariling inspections sa pamamagitan ng kanilang sanitary at Community Environment and Natural Resources Office o CENRO personnel.

Base sa latest records ng DILG abot sa 220,000 informal settler families ang nakatira sa bahagi ng Manila Bay watershed area, kabilang ang nasa 17 tributary river systems na dumadaloy sa Manila Bay area.

Pinayuhan pa ni Año ang mga mayors na pabilisin ang kanilang housing programs para sa kanilang mamamayan habang ang DILG naman ay makikipag-ugnayan sa housing agencies ng pamahalaan para magtayo pa ng maraming housing units.

Facebook Comments