Metro Manila mayors, pabor na palawigin ang GCQ

Sumang-ayon ang mga alkalde sa Metro Manila na palawigin ang General Community Quarantine (GCQ) National Capital Region (NCR) lalo na at nananatiling banta ang COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, plano rin ng Metro Manila mayors na luwagan ang business transactions at travel restrictions para muling buhayin ang ekonomiya.

Hindi binanggit ni Año kung ang GCQ status sa Metro Manila ay ipatutupad lamang para sa susunod na buwan o magtatagal hanggang sa susunod na taon.


Sa harap ng muling pagbubukas ng ekonomiya, sinabi ni Año na marami pa rin ang nag-iingat at nais manatili sa loob ng kanilang bahay kahit mas maraming access na sa public transportation.

Facebook Comments