Metro Manila mayors, sang-ayon na panatilihin muna sa GCQ with some restrictions ang NCR

Pabor ang Metro Manila mayors na manatili muna sa General Community Quarantine (GCQ) with some restrictions ang NCR.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni MMDA Chairman Benjur Abalos na wala namang problema kung kaparehong community quarantine status pa rin ang paiiralin sa kalakhang Maynila hanggang katapusan ng buwan.

Ani Abalos, maluwag na nga ang ating quarantine classification pero hindi pa rin dapat magpakampante ang lahat dahil nananatili ang banta ng COVID-19 lalo na ang Delta variant na pinaniniwalaang mas mabilis makahawa.


Sinabi pa nito na ang bawat desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay naka angkla sa siyensya at pinag-isipang maigi ng mga eksperto.

Samantala, saka-sakaling makapasok ang Delta variant sa mga komunidad ay nakahanda ang mga likal na pamahalaan sa Metro Manila at kanila na itong napagplanuhan.

Kabilang sa mga agarang hakbang ay ang pagpapatupad ng granular lockdown, massive testing at isolation.

Facebook Comments