Metro Manila mayors, sisikaping makabuo ng uniform ordinance sa posibleng pagbabawal muli sa mga bata na mapasok sa mall

Sisikapin ng mga alkalde sa Metro Manila na makabuo ng iisang ordinansa hinggil sa posibleng pagbabawal sa mga kabataang edad 12 pababa na makapasok sa mall.

Ito ay makaraang himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa kasunod ng ulat na isang 2-taong gulang na bata ang nagpositibo sa COVID-19 ilang araw matapos na mamasyal sa mall.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos, magpupulong ngayong araw ang kanilang Technical Working Group (TWG) para talakayin ang isyu.


Bukas, inaasahang maipiprisinta agad ng TWG ang kanilang rekomendasyon na siya namang aaprubahan ng mga mayor.

Samantala, umapela rin si Abalos sa mga magulang na maging responsable sa pangangalaga sa kanilang mga anak.

Facebook Comments