Metro Manila mayors, suportadong palawigin ang GCQ sa Metro Manila

Pabor pa rin ang karamihan sa mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na palawigin ang General Community Qurantine sa Agosto.

Ayon kay Metro Manila Council Chairperson, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ipinaabot na nila sa kanilang regional director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang concensus na i-extend ang GCQ.

Mas nais ng local chief executives na magpatupad ng localized lockdowns.


Mahalaga aniyang mabalanse ang pagbubukas ng ekonomiya at mapigilan ang pagkalat ng virus.

Handa naman ang konseho na sumunod sa National Government sakaling ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Kung mananatili naman ang GCQ, hihigpitan ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at curfew.

Facebook Comments