Tiniyak ngayon ng Metro Manila mayors na may security features at hindi basta-basta mapepeke ang kanilang mga vaccination card.
Sa Quezon City, simula nitong Biyernes, naglagay na ang pamahalaang lokal ng tamper-proof security seal sa vaccination card ng mga nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.
Sa Makati City, inihayag ni Mayor Abby Binay na may security features na rin ang kanilang vaccination card kung saan mayrooon itong watermark na kailangan pang gamitan ng black light para makita.
Sa Muntinlupa, sinabi ni City Health Officer Dr. Juancho Bunyi, na may security feature rin ang kanilang vaccination card tulad ng QR code.
Nagpalabas din ang Taguig City ng impormasyon ukol sa kanilang vaccination card para masigurado na hindi ito mapepeke.
Sa Maynila, sinabi ni Mayor Isko Moreno na hindi mapepeke ang kanilang vaccination card dahil hindi ito pwede maprint kung saang printer lang dahil ang data ay nasa tinatawag niyang closed loop system.
Sa Valenzuela City, magiging laminated na agad ang kanilang vaccination card matapos ang second dose.