Metro Manila, mga probinsya sa Luzon, binaha dahil sa Bagyong Henry at habagat

Ilang probinsya sa Luzon ang nakaranas ng pagbaha bunsod ng mga pag-ulang dala ng Bagyong Henry.

Sa Bataan, taas-baba ang tubig-baha partikular sa mga bayan ng Balanga, Pilar, Orion, Limay at Mariveles.

Dahil dito, walang tulugan ang mga residente sakaling kailanganin nilang lumikas at mag-akyat ng mga gamit.


Binaha rin kahapon ang ilang lugar sa La Trinidad, Benguet kaya nagkumahog ang mga magsasaka sa pag-aayos ng kanilang mga tanim na strawberry para hindi masira ng bagyo.

Apektado naman ng malalakas na ulan ang mga pasyalan sa Baguio City kung saan ilang puno rin ang nabuwal.

Binayo naman ng malakas na hangin at alon ang probinsya ng Batanes.

Nagsasagawa na ng assessment ang provincial government sa posibleng naging pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng Bagyong Henry at ng habagat.

Samantala, ilang lugar din sa Metro Manila ang binaha dahil sa maghapong pag-ulan.

Facebook Comments