Nakararanas na ang Metro Manila ng “serious surge” ng COVID-19 cases.
Batay sa report ng OCTA Research Group, tumalon sa 1.96 ang reproduction number sa National Capital Region (NCR), pinakamataas ito mula noong Mayo 2020.
Ang positivity rate ay umangat ng 12%
Nasa 15.9 per 100,000 ang daily attack rate – o ang porsyento ng populasyon na nahahawaan ng virus.
Umaabot naman sa 49% ang hospital bed occupancy para sa COVID-19 patients, habang 64% ang occupancy sa intensive care units.
Tumaas naman sa 18% ang nagagawang COVID-19 test kada araw sa NCR na nasa 24,300 test.
Napansin ng OCTA na “very high” ang attack rates sa Pasay, Makati at Navotas.
Lumagpas naman sa 70% ang hospital occupancy sa Quezon City, Makati at Muntinlupa.
Muling iginiit ng OCTA Research Team na dapat palakasin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng localized lockdown, curfew at pagsunod sa health protocols.
Sa kanilang taya, posibleng umabot lamang sa halos 4,000 cases ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Marso.