Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa nakatatanggap ng pinakamalaking alokasyon ng COVID-19 vaccines sa unang tatlong linggo ng Setyembre.
Sa kabila ito ng unang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na ang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila ang magiging prayoridad sa COVID-19 vaccination rollout simula ngayong Oktubre.
Batay sa datos ng National Task Force Against COVID-19, sa 9.8 million COVID-19 doses na ipinamahagi sa mga rehiyon sa bansa mula September 1 hanggang 21 ay higit na 1.8 million o halos 18.5% ang napunta sa National Capital Region (NCR).
Dumipensa naman si Galvez sa malaking bulto ng bakuna sa ibinigay sa Metro Manila.
Facebook Comments