Metro Manila, nasa low risk classification na

Patuloy na gumaganda ang datos ng COVID-19 partikular na sa National Capital Region (NCR).

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Guido David na bumababa na ang daily attack rate maging ang hospital utilization rate ay nasa 31% na lamang ngayong araw dito sa Metro Manila.

Ayon pa kay David, bukas ay maaari pa itong bumaba sa 30% dahilan para maideklarang nasa low risk classification na ang kalakhang Maynila.


Gayunpaman, sinabi ni David na medyo mataas pa rin ang naitatalang positivity rate sa ilan pang lungsod sa NCR na nasa 9.6%

Bagama’t bumababa na ang trend pero mas gusto nilang mapababa pa sa less than 5% ang positivity rate.

Maituturing naman aniyang magandang development na ngayon na nasa 7 na lamang ang average daily attack rate o ADAR ng NCR.

Kasunod nito umaasa ang OCTA na magiging maganda ang datos at patuloy na bababa ang datos ng COVID cases sa bansa.

Facebook Comments