Metro Manila, posibleng i-akyat sa Modified ECQ

Hindi inaalis ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang posibilidad na i-akyat muli sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila mula nitong July 1.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ihaharap ng National Task Force against COVID-19 ang mga data analysis nito sa Inter-Agency Task Force (IATF) at ito ang magiging basehan kung luluwagan, hihigpitan o mananatili ang quarantine protocols pagkatapos ng July 16.


Sinabi naman ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na binubusisi na ng technical working group ang mga datos bago sila magbigay ng rekomendasyon sa IATF.

Kapag natanggap ng IATF ang data analysis ng technical working group, isusumite na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments