Metro Manila, posibleng ibaba na sa Alert Level 2 sa darating na pasko

Malaki ang posibilidad na maibababa na sa Alert Level 2 sa darating na Pasko ang Metro Manila.

Ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 infections sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, infectious diseases specialist at miyembro ng technical advisory group ng Department of Health (DOH), posibleng ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa Disyembre kung bumaba ang hospital utilization at iba pang metrics.


“Pero the fact na hindi naman natin nakita na tumataas siya ulit and it’s almost been a month nga, I think na it’s very, very encouraging iyong nakikita po natin and kung maipagpapatuloy po natin ito at bumaba pa lalo iyong mga hospital utilization and other metrics baka mas makapagpababa pa tayo lalung-lalo na sa Pasko baka maka-Level 2 na po tayo as long as tuloy-tuloy po iyong paggamit natin ng ating minimum public health standards at iyong pagbabakuna sa ating mga kababayan.” ani ni Salvaña.

Sa ngayon, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng Oktubre, kung saan pinapayagan ang mga establisyemento na palawakin ang kanilang operasyon sa 50% outdoor venue capacity at 30% indoor venue capacity para sa mga fully vaccinated.

Facebook Comments