Metro Manila, posibleng ilagay na sa GCQ simula June 1, 2020

Posibleng paluwagin na ang ipinapatupad na quarantine restrictions sa Metro Manila pagsapit ng Hunyo.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, tinatalakay na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Sa kabila nito, mananatili naman sa kanilang kontrol ang mga lugar na may naitatala pa ring mataas na kaso ng COVID-19.


Samantala, nanawagan din ang kalihim sa publiko na panatilihin ang disiplina sa pagsunod sa quarantine measures para maiwasan ang second wave ng impeksyon.

Facebook Comments