Metro Manila, posibleng isailalim na sa normal GCQ sa Hunyo 16

Posibleng isailalim na sa normal na General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region pagsapit ng Hunyo 16.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, pagbobotohan pa lamang nila ito pero pabor siya sa unti-unting pagluwag ng restrictions.

Para naman kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, nararapat nang ibaba sa mas maluwag na GCQ ang Metro Manila lalo na’t nagsimula na naman ang pagbabakuna sa A4 category o yung mga essential workers.


Samantala, ayon Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 1,000 na lang ang daily average cases ngayon sa Metro Manila na mas mababa kumpara noong bago magpatupad ng mahigpit na quarantine measure sa mga nakalipas na buwan.

Sa ngayon, nananatili sa GCQ with restrictions ang NCR kabilang na ang mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang Hunyo 15.

Facebook Comments