Metro Manila, posibleng maging ‘Delta resilient’ ng ilang buwan

Posibleng maging “Delta resilient” ng ilang buwan ang National Capital Region (NCR) dahil sa magandang vaccination rollout.

Ayon kay OCTA Research Fellow at Molecular Biologist Fr. Nicanor Austriaco, batay sa COVID-19 vaccination ng mga Local Government Units (LGU) sa NCR, nasa 20 hanggang 70 porsyento ng populasyon ng mga ito ang nabakunahan na ng unang dose.

Aniya, ibig sabihin, isang buwan o mahigit pa mapoprotektahan ang rehiyon laban sa Delta variant.


Batay sa Department of Health, may 19 kaso na ng Delta variant sa Pilipinas.

Naniniwala si Austriaco na ginagawa na ng gobyerno ang lahat upang matugunan ang mga kailangan.

Facebook Comments