Posibleng maging low risk na sa COVID-19 ang Metro Manila sa susunod na dalawang linggo.
Ito’y batay sa pag-aaral ng OCTA Research Team.
Ayon kay Dr. Guido David, Fellow ng OCTA Research Team, patuloy na bumababa ang health care utilization rate sa NCR.
Patunay dito ang pagbaba na sa 50% ng occupancy rate ng mga ospital.
Nasa high risks na lang ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) matapos na maitala ito sa 20%.
Naniniwala rin si David na dapat maghintay pa ang IATF ng isang linggo bago irekomendang ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila simula bukas, Martes, February 1, 2022.
Facebook Comments