Metro Manila, posibleng makapagtala ng 2,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa katapusan ng Hulyo – Duque

Posibleng pumalo sa 2,000 ang maitatalang kaso ng COVID-19 kada araw sa
National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Hulyo .

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kung hindi susunod ang publiko sa minimum public health standards at hindi magpapaturok ng booster shot kontra COVID-19 ay maaaring umabot sa 1,500 hanggang 2,000 ang arawang kaso sa NCR sa katapusan ng Hulyo at magpa-plateau ito ng mababa sa 1,000 sa mga susunod na araw.

Sinabi pa ng kalihim na nakikita rin nilang aabot sa 800 hanggang 1,200 ang maitatalang kaso sa rehiyon sa katapusan ng Hunyo.


Sa ngayon ay nasa 14.7 million pa lamang ang nabibigyan ng booster shot kung kaya’t hihikayat din ni Duque ang publiko na magpaturok na booster bilang karagdagang proteksyon sa mga Omicron subvariants.

Matatandaang nauna na ring sinabi ng Department of Health (DOH) na nagsisimula na ang panibagong “peak” o pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

Facebook Comments