Metro Manila, pwedeng itaas sa MECQ kapag nagpabaya ang mga residente

Nagbabala ang Malacañang na maaaring ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila kung maging pabaya ang mga residente at hindi bumuti ang mga datos sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napanatili ang community quarantine status sa Metro Manila matapos manatiling “flat” sa walong araw ang case doubling rate pero ang critical care utilization ay tumaas.

Aniya, nangako ang Metro Manila mayors na paiigtingin ang T3 – Testing, Tracing, at Treatment, maging ang localized lockdowns.


Hinimok ng Palasyo ang mga residente ng Metro Manila na sundin ang health at safety measures para mapabagal ang transmission ng COVID-19.

Facebook Comments