Metro Manila Shake Drill, isasagawa bukas

Magsasagawa ang MMDA ng ikalimang Metro Manila Shake Drill bukas, July 13.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – ang Earthquake Drill ay lalahukan ng mga empleyado, Local Government Units (LGUs) ng Metro Manila, agencies, volunteer organization at iba pa.

Nais nilang subukan ang response capabilities at preparedness ng mga LGU at pribadong sektor sa pagtama ng lindol.


Ang Shake Drill ay magsisimula sa alas-4:00 ng madaling araw.

Bibisitahin naman ni MMDA Chairperson Danilo Lim ang mga city hall at emergency operation centers.

Ang Shake Drill ay may iba’t-ibang emergency scenarios sa city hall offices, establishments, communities, businesses at households.

Facebook Comments