Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang pahayag ng OCTA Research Gourp na nasa “low risk” na sa COVID-19 ang Metro Manila.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang average daily attack rate (ADAR) ng National Capital Region (NCR) ay nasa 11.53 pa rin na may seven-day moving average na 886 kada araw.
Sinabi naman ni Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng DOH – Technical Advisory Group na maraming parameters ang kailangang isaalang-alang bago maibaba ang level of risk ng isang rehiyon.
Nauna nang sinabi ng DOH na bago maibaba ang alert level, dapat ang ADAR ay mas mababa sa pito at ang arawang kaso ay mas mababa sa 500.
Magiging sukatan din ng mas maluwag na restriksyon ang vaccination rate at bilang ng mga establisyimento may mga safety seal na.