Manila, Philippines – Dahil sa sunod-sunod na lindol sabansa, inirekomenda na ng PHIVOLCS sa Metro Manila Disaster Risk Reduction and ManagementCouncil na ikasa na ang ikatlong metro-wide earthquake drill.
Ayon kay PHIVOLCS Chief at DOST Undersecretary RenatoSolidum – kailangan na din ibaba ito sa mga barangay para mas maging handa anglahat sa posibilidad ng malakas na lindol.
Bukod sa Metro Manila, pinasasama din ng PHIVOLCS ang Bulacan,Rizal, Cavite at Laguna dahil posible rin silang madamay sakaling tumama angmagnitude 7.2 na lindol sa maynila bunsod ng paggalaw ng west valley fault.
Sa kabila naman ng sunod-sunod na paglindol sa Batangas atkaninang umaga sa Lanao Del Sur, nilinaw ni Solidum na wala itong koneksyon saisat isa at ang posibleng paggalaw rin ng west valley fault.
Samantala, sa interview ng RMN kay PHIVOLCS ScienceResearch Specialist Janila De Ocampo – nagbabala ito sa mga residente Wao,Lanao Del Sur na asahan na ang maraming aftershock kasunod ng magnitude 6.0 nalindol.
Sa ngayon, wala pang nairereport na pinsala sa mgaari-arian sa panibagong pagyanig.
Metro wide earthquake drill – inirekomenda na ng PHIVOLCS dahil sa sunod-sunod na lindol sa bansa
Facebook Comments