Manila, Philippines – Mamayang alas 4:00 ng hapon na ang umpisa ng apat na araw na Metro Wide Earthquake Drill.
Pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang drill ngayong araw sa Metro Manila.
Isasagawa rin sa mga susunod na araw ito sa mga probinsya ng Bulacan, Rizal Cavite at Laguna.
Sa interview ng RMN kay Greg Reyes, Communication Equipment Operator 3 ng MMDA – magkakaroon ng total traffic stoppage sa EDSA.
Asahan na aniya ang matinding traffic.
Magiging sentro ng drill ang lugar ng Guadalupe at Ortigas.
Titigil din sandali ang operasyon ng MRT at LRT kapag may hudyat na ng pagsisimula ng earthquake drill.
Sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na maari ding makaranas ng power at cellphone signal interruption ng aabot sa hanggang limang minuto.
Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa nasabing drill.