Manila, Philippines – Bahagyang nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang isinagawang Metrowide Earthquake Drill, pasado alas kwatro kaninang hapon.
Nakiisa sa shake drill ang mga pulis, guro, estudyante, empleyado ng mga establisyimento at mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa buong Metro Manila.
Kabilang sa mga isinagawang scenario ay sunog, pagguho ng underpass, aksidente sa LRT, MRT at PNR, looting at hostage-taking.
Ipinakita rin kung paanong rumesponde ang mga rescue team sa mga nasabing insidente.
Bukod sa earthquake drill, nagsawa rin ng terror attack drill sa Pasig City.
Sa Ortigas, naging makatotohanan naman ang mga scenario ng pagsabog, putukan ng baril at sunog.
Facebook Comments