Mexico at Malaysia, nakapagtala na rin ng unang kaso ng Omicron variant; Bilang ng bansa sa buong mundo na may kaso nito, nasa 40 na!

Nadagdagan pa ang mga bansa sa mundo na nakapagtala ng unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Kabilang dito ang Mexico na nakita sa isang 51-anyos na lalaki na nagmula sa South Africa.

Habang sa Malaysia, isang 19-anyos na babae ang unang kaso na nanggaling din sa South Africa noong nakaraang dalawang linggo.


Samantala, ilan pa sa mga estado sa US na nakapagtala rin ng unang kaso ng bagong variant ay ang Missouri, Utah, Nebraska, Maryland at Pennsylvania.

Tinatayang nasa 40 bansa na sa buong mundo ang may kaso ng Omicron variant kung saan ilan dito ay ang; Canada, California, Colorado, India, Netherlands, Hong Kong, Israel, Belgium, Italy, Japan, Hawaii, Minnesota, New York at iba pa.

Sa ngayon, bagama’t wala pang naitatalang kaso ng pagkasawi ang World Health Organization (WHO) dahil sa Omicron variant ay patuloy pa rin ang paalala nito sa lahat na magpabakuna na at patuloy na sumunod sa health protocols.

Facebook Comments