Mexico, magtatalaga ng higit 10,000 security forces sa mga lugar na mataas ang kaso ng murder

Mexico – Magpapadala ang Mexico ng higit 10,000 sundalo at pulis sa 17 hotspots para mabawasan ang insidente ng murder.

Ito ang unang bahagi ng programa ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador na palakasin ang itinatag na national guard.

Ayon kay Obrador – tapos na ang kanilang giyera laban sa mga drug traffickers at tututukan nila ang pagtaas ng kaso ng karahasan gaya ng homicide at murder.


Sinisilip na rin niya ang pagkakaroon ng crop substitution para sa mga low level drug dealers at farmers.

Ang siyudad ng Tijuana ang may pinakamataas na kaso ng murder nitong Disyembre na may 202 nasawi.

Facebook Comments