Meyor Magalong, may hiling sa mga driver!

BAGUIO, Philippines – May kahilingan si Mayor Benjie sa mga operator at driver ng jeepney na magkaroon ng extended hours hanggang alas-dyes ng gabi para sa mga pasaheros ng lungsod.

Ito ay ayon sa Ordinance No. 133-2018 at mag-uumpisa sa Disyembre 1, 2019 para makatulong sa mga gagabihin sa daan bunsod ng Christmas Season ng lungsod.

Matatandaan na noong mga nakaraang selebrasyon ng kapaskuhan at mga katulad nito, inaabot ng hatinggabi ang mga residente bago makauwi dahil sa kakulangan ng masasakyan sa Baguio.


iDOL, kasama ka ba sa mga nahihirapang sumakay kapag kapaskuhan?

Facebook Comments