Manila, Philippines – Magdaraos ng tatlong araw na pagpupulong o plenaryo ang lahat ng obispo sa bansa upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa mga mananampalataya at sa Pilipinas.
Mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 9 isasagawa ng maimpluwensiyang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang plenaryo sa Pope Pius XII sa Maynila.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), pangunahing tatalakayin ay ang ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa na ipagdiriwang sa 2021;
Ang pagtatalaga ng mga kinatawan ng simbahan para sa pakikipagdayalogo sa 4-man panel ng Malacañang sa isyu ng pagtuligsa ng Pangulo sa simbahang Katolisismo at ang Security Protocol na may kinalaman sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga alagad ng Simbahan.