Pinaalalahanan ng ahensyang Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga existing beneficiaries o ang mga benepisyaryo pa hanggang ngayon ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps patungkol sa paggamit ng natatanggap na ayuda sa maling pamamaraan.
Posibleng matanggal umano ang mga ito kapag nalaman ng ahensya na hindi ginagamit sa kaukulang paglalaanan ng pera tulad sa nutrisyon, pantustos sa edukasyon at iba pa ang ayudang naipapamahagi sa kanila.
Samantala, matatandaan na sa lungsod ng dagupan ay nasa higit dalawang libo na mga bagong beneficiaries ang inaasahang maidadagdag sa programang 4ps pagkatapos malaman ang resulta ng naisagawang masusing validation process.
Sa buong Region 1 naman, nasa kabuuang bilang na 56, 750 na mga bagong benepisyaryo ang inaaasahang dadagdag sa listahan ng mapapabilang sa 4ps. |ifmnews
Facebook Comments