MGA 4PS BENEFICIARIES SA DAGUPAN CITY, NATANGGAP NA ANG CASH GRANT

Natanggap na ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o ang programang 4Ps sa Dagupan City ang kanilang cash grant mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Matatandaan na bago pa ang distribusyon ng tulong pinansyal ay nauna munang sumailalim ang mga ito balidasyon at assessment ng ahensya upang matukoy ang kung kwalipikado ba talaga ang mga ito maging ang mga ipinasang dokumento para mapabilang sa mga magiging benepisyaryo ng 4Ps.
Binigyang diin naman ni Mayor Fernandez ang bawal paggamit ng natanggap ng pera sa maling pamamaraan tulad ng pagsusugal. Una na nitong sinabi sa mga magulang ng mga batang may pinapaaral na mga anak na ilalaan ito sa school supplies bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik eskwela sa darating na Aug. 29.

Samantala, sa kabuuan ay nasa 55,170 indigent households ang potensyal na nakita ng DSWD na maging benepisyaryo ng 4Ps sa buong Region 1 kung saan as of July 21 2023, may 47,142 ang nasa Pangasinan, 3,236 sa Ilocos Norte, 4,031 sa Ilocos Sur, at 761 sa La Union. Ang kasalukuyang datos naman ay nasa 97.23% na ng 56, 750 target na bilang pa ng mga inaasahang maging miyembro ng nasabing programa. |ifmnews
Facebook Comments