Mga aakyat lamang ng ligaw sana, nadisgrasya!

Sta. Barbara – Patay ang driver ng motorsiklo na si Jerome De Guzman bente uno uno anyos at ng di pa nakikilalang driver ng nakasalpukang motorsiklo. Patay din ang isa sa tatlong angkas sa motorsiklo ni De Guzman. Habang kritikal naman sa hospital ang dalawa pa nilang kasama.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, linggo ng gabi, enero 27, aakyat umano ng ligaw ang mga magkakaibigang naka sakay sa motorsiklo ng makasalpukan nila ang mabilis na pagpapatakbo ng driver ng isang Garong habang binabantas ang National Road ng Gueguesangen Sta. Barbara, Pangasinan. Nag over take umano ang Garong sa isang sasakyan subalit hindi na nakita ang paparating na motorsiklo, dahilan para magkasalpukan ang mga ito. Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng driver ng motorsiklo.

Facebook Comments