Manila, Philippines – Maghahain ng resolusyon sa Kamara ang Makabayan bloc para imbestigahan ang aberya nitong halalan.
Ayon kay ACT Partylist Representative Antonio Tinio, nakakaalarma ang pagkaantala ng resulta ng botohan mula sa transparency server ng pitong oras.
Pa-iimbestigahan rin aniya nila ang mga pumalyang SD cards at mga vote couting machine (VCM).
Sabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, na isusulong nilang na bumalik sa manual system o mix type system ang halalan sa bansa.
Giit pa ni Zarate, nakita sa nagdaang halalan sa bansa na madaling mai-manipula ang resulta ng halalan lalo na ang mga nasa kapangyarihan.
Facebook Comments