Mga aberya noong 2019 midterm elections, iimbestigahan

Manila, Philippines – Isasagawa na bukas (June 4) ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES) ang pagdinig ukol sa mga nangyaring aberya sa May 13 midterm elections.

Ito ay kasunod ng hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na palitan ang Smartmatic, ang service provider para sa automated elections sa bansa mula pa noong taong 2010.

Ang Joint Oversight Committee, ay pamumunuan nina Senator Koko Pimentel III at Cibac Party-List Representative Sherwin Tugna.


Uungkatin sa pagdinig ang mga nangyaring technical glitch na nagpa-antala sa pagboto sa ilang polling precincts, maging ang pitong oras na delay sa transmission ng election returns.

Sisiyasatin din ang depektibong SD cards na itinuturong dahilan ng mga aberya.

Facebook Comments