
Pamumunuan ng mga abogado, prosecutor, justice, forensic investigation at eksperto ang independent commission na itatatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Nauna nang inanunsyo ng Palasyo kahapon na ang Independent Commission to Investigate Flood Control Anomalies ang magsasagawa ng masusing pagsusuri sa mga proyekto at katiwalian.
Ayon sa Pangulo, isinasapinal na lamang ang executive order para sa pormal na pagtatag ng komisyong ito.
Kapag napatunayan aniyang may mga opisyal na sangkot, sila ay irerekomendang kasuhan at iaakyat sa Ombudsman o sa Department of Justice (DOJ).
Facebook Comments









