Mga abogado ng pamahalaan, muling iginigiit ang ‘no franchise, no frequency’; CA, hinihimok na tularan ang Palasyo hinggil pagdedesisyon sa kaso ng Newsnet

Hindi na maaaring mag-operate at mabigyan pa ng radio frequency ang News and Entertainment Network Corp. (Newsnet) matapos na ma-expire ang legislative franchise nito noong August 2021.

Ito ang isa sa mg ipinirisinta ng mga abogado ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kanilang argumento na inihain sa Court of Appeals (CA) kung saan ang provisional authority (PA) ng Newsnet para makag-operate at mapanatili ang Local Multi-Point Distribution System (LMDS) ay hanggang Oct. 1, 2021 lamang.

Nabatid na noong Aug. 16, 2022 ay unang binaligtad at ilbinalewala ng CA’s Special Eleventh Division ang kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na putulin na ang provisional authority ng Newsnet at inutusan itong ihinto ang kanilang operasyon noong February 9, 2021 at August 21, 2021.


Ang nasabing desisyon ng CA’s Special Eleventh Division ay inilabas ni Justice Maria Garcia-Fernandez at sinang-ayunan naman nina Justices Tita Marilyn Payoyo-Villordon at Emily Aliño-Geluz kung kaya’t nakabinbin ang motion for reconsideration na inihain ng OSG sa ngalan NTC.

Muling iginiit ng OSG ang kanilang kahilingan sa CA na baligtarin na ang nauna nilang pasya makaraan magdesisyon ang Office of the President (OP) na i-dismiss ang petition for review ng Newsnet dahil ito ay moot at lack of merit.

Nitong April 5 ay naghain ng urgent manifestation ang OSG para himukin ang CA’s Special Eleventh Division na desisyunan na ang kaso ng Newsnet kung saan mismong sina Assistant Solicitor General Maria Victoria Sardillo kasama sina Associate Solicitor Camille Remoroza, Maximilian Perola at Alvin Duane Garge ang pumirma.

Matatandaan na noong April 3 ay naghain rin ng kaparehong manifestation ang OSG sa CA’s Special Eighth Division kung saan nakabinbin ang motion for reconsideration ng NTC para desisyunan na ang petition for mandamus na inihain ng Newsnet laban sa nasabing komisyon at sa dati nitong commissioner na si Gamaliel Cordoba.

Kung maalala, inatasan ng CA’s Special Eighth Division ang NTC na sundin ang kautusan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na aprubahan ang provisional authority ng Newsnet noong February 12, 2020 dahil nabigo raw sila na gumawa ng hakbang na isinasaad ng bata subalit paliwanag ng OSG na wala naman jurisdiction ang ARTA sa pagbibigay ng frequency.

Facebook Comments