Mga abogado ni Chief Justice Sereno, binantaang pagsasarahan ng pinto

Manila, Philippines – Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na sasarahan ng pinto ang mga abogado ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Alvarez, walang business ang mga abogado ni Sereno sa pagdinig sa Miyerkules para sa determinasyon ng probable cause sa impeachment case.

Giit ni Alvarez, hindi ang mga ito ang kailangang humarap kundi mismong ang ipinapa-impeach na Punong Mahistrado.


Kung wala naman aniya ang kliyente ng mga ito na si Sereno, walang karapatan ang mga abogado nito na dumalo ng hearing.

Aniya, walang gagawin ang mga ito kundi ang magpa-interview pagkatapos ng pagdinig.
Hamon ni Speaker, dalhin ng mga abogado si Sereno sa hearing sa Miyerkules para ito mismo ang mag-cross examine sa mga saksi.

Facebook Comments