Mga abogadong kumakatawan sa mga komunista sa korte, tigilan na ng pulisya ayon sa isang kongresista

Inalmahan ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang pulisya na tigilan na ng mga ito ang mga abogadong tumutulong sa mga komunistang grupo.

Sinabi ito ni Nograles, isa ring abogado, kasunod ng paghingi ng Hepe ng Calbayog City Police Station Intelligence Unit ng listahan ng mga abogadong tumutulong sa mga personalidad na identified sa “Communist Terrorist Group” (CTG).

Giit ng kongresista, hindi krimen ang pag-aabogado, kahit sino pa ang katawanin ng mga ito at hindi rin dapat nakikialam ang pulisya sa usapin ng korte.


Hinikayat naman ni Nograles ang liderato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na itama ang maling paniniwala na may kapangyarihan ang mga istasyon ng pulisya na manghingi ng kahalintulad na listahan.

Una nang sinibak sa pwesto ni PNP Officer-in-Charge (OIC) Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar si Police Lieutenant Fernando Calabria matapos ang ginawa nitong pagsulat sa korte na humihingi ng listahan ng mga abogadong kumakatawan sa mga komunista.

Facebook Comments