Mga abusadong pulis hindi dapat itapon ayon sa hepe ng MPD

Manila, Philippines – Naniniwala si MPD District Director Sr. Supt. Vicente Danao Jr., na hindi dapat itapon o ilipat sa ibang lugar ang isang pulis Maynila na nagkasala sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Danao dapat sa kanyang bakuran lamang manilbihan ang isang pulis na nagkasala upang mababantayan niya ang mga galaw ng kanyang pulis.

Paliwanag ni Danao epektibo umano ang ganyang klaseng pamamaraan dahil ito aniya ang kanyang ginagawa noong siya pa ay hepe sa Davao City at lahat ng mga pulis ay naging disiplinado.


Giit ng opisyal kung ang isang pulis na nagkasala ay magbabantay lamang sa kanyang opisina ay mababantayan niya umano ito ng husto at pabiro pang sinabi nito na makikita niya araw-araw na sumasaludo sa kanya ang naturang abusadong pulis.

Facebook Comments