Mga accredited aviation security training institution, ininspeksyon ng OTS

Nagsagawa ng sunod-sunod na inspeksyon ang Office for Transportation Security o OTS sa mga accredited aviation security training institution, center at schools.

Ito’y upang matiyak na nakasusunod ang mga ito sa national at international security standards.

Ayon sa ahensya, ito’y alinsunod pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang kakayahan ng mga aviation security personnel.

Tiniyak naman ng OTS na ang mga training center ay sumusunod sa National Civil Aviation Security Training Program upang mapanatili ang mataas na kalidad ng pagsasanay para sa mga airport security personel.

Ang mga OTS accredited centers ay mahalagang katuwang sa pagpapalakas ng seguridad sa paliparan sa bansa at proteksyon ng mga manlalakbay.

Facebook Comments