Mga aftershocks, ibinabala ng Phivolcs matapos yanigin ang N. Cotabato

Nakapagtala na ng sampung naitalang aftershocks ng Phivolcs kasunod ng magnitude 5.6 earthquake kagabi sa bayan ng Makilala sa North Cotabato

Base sa monitoring ng Phivolcs dalawa sa mga aftershocks ay  nangyari bandang alas 10:12 kagabi at alas 11:40 na may lakas na magnitude 4.8.

Sabi pa ng Phivolcs na asahan na magkaroon pa ng mga aftershock sa nangyaring pagyanig na naramdaman sa iba’t ibang dako ng Mindanao.


Bandang alas 8:36 kagabi nang yanigin ng malakas na lindol ang bayan ng Makilala na ang dahilan ay ang paggalaw ng tectonic plates.

Ayon sa ulat ng Phivolcs may lalim na 10 kilometro ang pinagmulan nito.

Narandaman ang  intensity 5 sa Makilala, Kudapawan City, Koronadal City, Sta Cruz, Davao del Sur.

Intensity 4 naman sa Magpet, Matalam, Kabacan at Tulunan sa North Cotabato.,Davao City,Polomolok, Tupi, Tampakan, at Sto Nino , South Cotabato, Tacurong City, President Quirino, Sultan Kudarat, Glan at Malungon sa Saranggani.

Naramdaman naman ang Intensity 3 sa General Santos City, Kiamba, Sarangani, Kalilangan at Damolog, Bukidnon, Carmen, North Cotabato at Bagumbayan sa Sultan Kudarat.

Intensity 2 naman sa Cotabato City, Nabunturan, Compostela Valley,Valencia City, Maramag, Lantapan, Cabanglasan, Kadingilan, at Kibawe, Bukidnon at Pikit sa North Cotabato.

Maging sa Zamboanga City ay naramdaman din ang Intensity 1 na lindol.

Samantala ang nagparamdam din ng mga mahihinang pagyanig ang katabing bayan na Tulunan, North Cotabato matapos ang malakas na lindol sa Makilala.

Ayon sa Phivolcs, abot na sa 38 ang naitalang pagyanig sa naturang bayan mula alas 9:31 hanggang alas 4:34 kaninang madaling araw.

Facebook Comments