Napigilan ng Bureau of Customs (BOC) na maipasok sa bansa ang mga agricultural crop pest matapos na masabat ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Napag-alaman na inilagay ang 14 na piraso na buhay na uwang o beetles at uod sa mga plastic tube na nakatago sa mga packages ng snacks, biscuits, noodles at chocolates.
Dumating ang parcel noong July 24, 2021 sa Cargo Mail Exchange Center at nang inspeksyunin, dito na nadiskubre ang 14 live beetles at larva.
Ang consignee ay naka-address sa Mandaluyong City at ang nagpadala ay mula sa Hongkong.
Ang uwang ay ang isang peste na sumisira ng pananim partikukar ang mga garden crop.
Ang mga uod o larva naman ay umaatake sa ugat ng mga tanim na nagsasanhi ng paninilaw ng mga dahon at pagbagal ng paglaki ng halaman.