Mga agriculture area na sinalanta ng Bagyong Maring, pinatutukan na ng DA

Pinakikos na ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang mga field officer ng ahensya na i-monitor ang mga agricultural area na sinalanta ng Bagyong Maring.

Pinamo-monitor ng DA ang mga nasirang pananim na palay at mais sa Central Luzon at bahagi ng Cagayan Valley.

Pinahahanda na rin ni Dar ang mga interbensyon nang inihahanda ang DA para sa mga magsasaka kung sakaling masira ang kanilang pananim.


Nakahanda na ang mga rice at corn seeds at mga assorted vegetables na ipapamahagi sa mga maaapektuhang magsasaka.

Magbibigay rin ang DA ng gamot at biologics para sa livestock at poultry; Survival and Recovery Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council.

Babayaran din ng Philippine Crop Insurance Corporation ang mga insured farmers na malulugi sa kanilang pananim.

Facebook Comments