Mga ahensiya ng gobyerno, hindi dapat masamain ang pagsita sa kanila ng COA ayon kay VP Robredo

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga ahensiya ng pamahalaan na huwag masamain ang mga pagkwestiyon ng Commision on Audit sa kanilang paggastos ng pondo.

Sa isang pahayag, sinabi ng pangalawang pangulo na ginagawa ito ng COA upang matiyak na walang bahid ng korapsiyon at nagagamit nang tama ang pondo ng bayan.

Trabaho aniya ng COA na masigurong nasusunod ang mga tamang proseso at binibigyan din naman sila ng panahon para makapagpaliwanag.


Kamakailan ay natanggap ng Office of the Vice President ang pinakamataas na audit rating ng COA sa ikatlong magkakasunod na taon.

Facebook Comments